Ito ay dahil ngayong araw ng Biyernes, December 6, matatanggap na nila ang 13th month pay.
Ang 13th month pay ay katumbas ng buwanang pension ng SSS pensioners na nasa P2,200 hanggang P18,000.
Ayon sa SSS, diretso na sa bank accounts ng pensioners ang 13th month pension hanggang ngayong araw para naman magamit ang pera sa Christmas Season.
“We have already requested our partner banks to credit the 13th-month pension to the respective savings accounts of our pensioners on or before December 6 so that they could enjoy the money in time for the holiday season,” ani SSS President and CEO Aurora Ignacio.
Nasa 14,000 ang makatatanggap ng pension sa pamamagitan ng tseke na nailabas na rin simula pa noong November 26.
“The checks were released and mailed as early as November 26 so that our pensioners will receive it on time for the Christmas season,” dagdag ni Ignacio.
Aabot sa P12.71 bilyon ang inilabas ng pondong SSS para sa 13th month pension ngayong taon, mas mataas ng 7.6 percent sa P11.81 bilyon noong 2018.