‘Back-to-back’ crown? Selfie nina Catriona, Gazini pinagpiyestahan sa social media

Ikinatuwa ng maraming pageant fans ang selfie nina Miss Universe 2018 Catriona Gray at ang pambato ng Pilipinas sa 2019 edition ng pageant na si Gazini Ganados.

Ibinahagi ni Ganados ang larawan nila ni Gray sa Instagram Huwebes ng gabi.

Agad na umani ng 102,000 likes ang nasabing larawan at higit 2,000 komento kung saan marami ang nagsasabing makukuha ng Pilipinas ang back-to-back win sa pageant.

Sakaling tanghaling Miss Universe 2019 si Ganados, ang Pilipinas pa lamang ang ikalawang bansa na makagagawa ng back-to-back win matapos ang Venezuela taong 2009.

Nasa Atlanta, Georgia, USA na ngayon ang Miss Universe Philippines.

Bukas, araw ng Sabado, magaganap na ang preliminary events ng Miss Universe 2019 kabilang ang National Costume competition.

Ang coronation night naman ay nakatakda sa December 8 sa Atlanta, na umaga naman ng December 9 sa Maynila.

Read more...