Ayon kay Immigration port operations chief Grifton Medina, hinarang ang mga ito sa NAIA 1 terminal habang pasakay na ng Saudi Airways flight patungong Riyadh.
Sinabi ni Medina na karamihan sa mga biktima at may edad 20 anyos at 30 anyos.
Paliwanag ng Immigration, kaduda-duda kasi ang mga hindi nagtutugmang impormasyon sa iprinesentang mga travel documents ng mga ito.
Ayon kay Ma. Timotea Barizo, travel control and enforcement unit (TCEU) chief ng Immigration, ito na ang isa sa pinakamalaking bilang ng mga naharang nilang biktima ng human trafficking sa nakalipas na mga taon.
Ayon kay Barizo, nagpakita 34 ng mga dokumento bilang mga OFW pero natuklasan kalaunan na mali mali ang mga impormasyon sa kanilang oversead employment certificate o OEC.
Nai’turnover na ang mga ito sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).
Una nang isinailalim sa heightened alert status ang mga tauhan ng Immigration sa NAIA at iba pang major ports sa bansa para mapigilan ang anomang pagtatangka ng mga sindikato na magpalusot ng kanilang mga recruits sa kasagsagan ng holiday season at SEA Games.