Pero sa pagkakataong ito, target ng grupo na makapanatili doon sa loob ng isang buwan.
Ayon kay Vera Joy Ban-eg, tagapagsalita ng grupo, ang ginawa ng China kamakailan na pagpapapunta ng mga turista sa Kagitingan (Fiery Cross) ay ginawa na nila noong Disyembre kung saan nanatili sila sa Pagasa (Thitu) Island.
Sinabi ni Ban-eg na sa Abril, muli silang bibiyahe sa isla at mananatili doon ng isang buwan. “In April, we will make another voyage to our islands. This time, we will spend a month to visit all the islands we occupy in the Kalayaan,” ayon kay Ban-eg.
Nanawagan din ang grupo sa publiko na tulungan sila sa kanilang isinusulong na laban sa mga teritoryo ng Pilipinas na inaangkin ng China.
Noong Disyembre, nasa 50 miyembro ng grupo ang nagtungo sa Pagasa island sakay ng bangka.