Unang araw ng pagbaba ng minimum fare sa jeep, ilang jeepney driver tumangging magbaba ng singil

MOTORING/SEPTEMBER 9,2012 LPG JEEPNEY (MOTORING) ARNOLD ALMACEN/INQUIRER
ARNOLD ALMACEN/INQUIRER

Simula na ngayong araw ang pagbaba sa singil sa minimum na pamasahe sa mga pampasaherong jeep sa NCR, Region 3 at Region 4.

Ito ay matapos ipag-utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na simula ngayong araw, January 22 ay bababa na sa P7 na lamang ang minimum na pamasahe sa jeep mula sa dating P7.50.

Gayunman, maraming tsuper ang tumangging ipatupad ang pagbaba sa minimum fare.

Sa Quezon City at Maynila, ilang pampasaherong jeep ang nanatiling P7.50 ang singil sa minimum na unang apat na kilometer ng biyahe.

Sa Makati City naman, ang ilang jeep na biyaheng Pateros-Guadalupe at PRC – Magallanes ay hindi pa rin nagbaba sa singil sa pasahe.

Katwiran ng mga tsuper, wala pa umano silang fare matrix mula sa LTFRB. Hindi naman na nakipagtalo ang mga pasahero.

Ikinalungkot din ng mga tsuper ang bawas sa pasahe, dahil hindi naman anila nabawasan ang kanilang boundary.

Pero ang mga shuttle na may biyaheng Vito Cruz-CCP Complex ay nagpatupad na ng bawas na singkwenta sentimos sa pamasahe.

Hinikayat naman ng LTFRB ang mga pasahero na isumbong sa kanila ang mga driver na tumatangging ibaba ang singil sa pasahe sa jeep.

Read more...