Magat dam magpapakawala ng tubig bukas ng umaga

Magpapakawala ng tubig ang Magat dam bukas ng umaga.

Inabisuhan na ang mga residente na nakatira sa mga mabababang lugar at malapit sa ilog sa Isabela at Cagayan sa gagawing pagpapakawala ng tubig.

Alas 7:00 ng umaga bukas, Dec. 6 gagawin ang papakawala ng tubig na aabot sa 200cms.

Sa abiso ng National Irrgation Administration, maari pang madagdagan ang dami ng ire-release ng tubig depende sa lakas pa ng ulang mararanasan sa magdamag.

Read more...