Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakasaad sa Konstitusyon na pangunahing tungkulin ng pangulo ay pagsilbihan at proteksyunan ang taong bayan.
“Actually yung batas, ang pangunahing tungkulin ng Pangulo ay pagsilbihan at proteksyunan ang taumbayan. So on the basis of that, the President can do things that can either annul rescind contracts done or arranged or agreed against the interest of the people and public policy,” ayon kay Panelo.
Dahil dito, sinabi ni Panelo na maaring bawiin ng pangulo ang kontrata.
Una nang binatikos ng pangulo ang Maynilad at Manila Water dahil ginawang gatasan ang gobyerno at tapng bayan.
Ayon kay Panelo, hindi lang ang mga may-ari ng Maynilad at Manila Water ang hahabulin ng pamahalaan kundi maging ang mga mambabatas, abogado at iba pa na kasama sa pagbalangkas ng tagilid na kontrata.