Pilipinas mayroon nang 57 gintong medalya sa SEA Games

Mayroon nang kabuuang 123 na medalya ang Pilipinas sa SEA Games.

Sa nasabing bilang, 57 ang ginto, 42 ang silver at 24 ang bronze.

Nananatiling ang Pilipinas ang nangunguna sa medal tally as of alas 12:30 ng tanghali ng Huwebes, Dec. 5.

Ang Vietnam pa rin ang nasa ikalawang pwesto na mayroong 28 ginto, 33 silver at 36 na bronze.

Ngayong ika-limang araw ng SEA Games nakasungkit ng gintong medalya si Jermyn Prado sa women’s individual time trial sa Cycling.

Si Samuel German naman ay nakakuha ng silver medal para sa men’s modern pentathlon beach laser final.

Read more...