Limang mangingisda nailigtas ng coast guard sa Masbate

Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang limang mangingisda sa Masbate.

Tumaob ang sinasakyang bangka ng lima sa karagatang sakop ng Barnagay Bolo sa kasagsagan ng malakas na hangin dulot ng bagyong Tisoy.

Ikinasa ng coast guard ang search and rescue operation makaraang matanggap ang ulat na tumaob ang bangka.

Dinala sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) – Masbate ang mga nailigtas na indbidwal.

Isinailalim din sila sa pagsusuri sa Masbate Provincial Hospital.

Read more...