1.3 percent inflation rate naitala noong buwan ng Nobyembre

Muling nakapagtala ng mabilis na pagsipa sa presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo noong nagdaang buwan ng Nobyembre.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) 1.3 percent ang naitalang inflation noong nagdaang buwan.

Mas mabilis kumpara sa 0.8 percent noong Oktubre.

Ayon sa PSA, ang pagsipa ng inflation ay dahil sa mas mataas na presyo ng sigarilyo, alak, at housing at utility costs.

Pangunahing nakapag-ambag sa November inflation ay ang mataas na presyo ng restaurant at miscellaneous goods at services.

Read more...