Antas ng tubig sa Angat dam nadagdagan sa magdamag nasa 194.52 meters na

Nadagdagan sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Nasa 194.52 meters na ang water level ng dam as of alas 6:00 ng umaga ng Huwebes, Dec. 5.

Tumaas ito ng 1.05 meters kumpara sa 193.47 kahapon.

Samantala, nadagdagan din ang water level ng La Mesa dam na nasa 77.61 meters na.

Nabawasan naman ang water level ng Ipo dam na nasa 101.09 meters.

Ang iba pang dam sa Luzon ay pawang nadagdagan ang water level maliban lang sa Binga dam na bahagyang nabawasan.

Read more...