3 arestado sa buy-bust sa Payatas, Quezon City

Tatlong lalaki ang nadakip sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Barangay Payatas-A, Quezon City.

Pinasok ng mga pulis ang isang compound sa Payatas at doon inabutan ang tatlong lalaki na nahulihan ng P170,000 na halaga ng shabu.

Hindi naman dinatnan sa lugar ang may-ari ng bahay.

Ayon kay Police Lt. Col. Romulus Gadaoni ng Batasan Police Station, ang tatlo ay nagsu-suplay ng ilegal na droga sa mga barangay sa Quezon City.

Read more...