Ayon sa Phivolcs, magnitude 3.5 na lindol ang yumanig sa layong 22 kilometro Hilagang-Kanluran ng Goa, Camarines Sur kaninang alas-3:30.
May lalim lamang ang pagyanig na isang kilometro.
Alas-2:32 naman nang maitala ang magnitude 3.0 na lindol sa layong siyam na kilometro Hilagang-Kanluran ng Lutayan, Sultan Kudarat.
May lalim ang pagyanig na 23 kilometro.
Makalipas ang dalawang oras, o 4:34 ng umaga, may naitala muling magnitude 3.1 na lindol sa layong 17 kilometro Hilagang-Silangan ng Lutayan.
May lalim naman itong apat na kilometro.
Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig at hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.