Miyerkules ng gabi iprinesenta ni Huang ang kanyang credentials sa pangulo na hudyat na rin ng opisyal na pagsisimula ng kanyang trabaho bilang envoy.
Ang presentation of credentials ay isang seremonya na kinakailangan para pormal na kilalanin ng gobyerno ng Pilipinas ang isang ambassador bilang opisyal na kinatawan ng kanyang bansa.
Si Huang ang pumalit kay Zhao Jianhua, na nagsilbing Chinese envoy mula taong 2014.
Sinabi ng pangulo sa bagong envoy na umaasa siyang makatutulong ito para lalong palalimin ang ugnayan ng Pilipinas at China.
“Your Excellency, we are proud that China and the Philippines are two great friends. And I welcome you to your new assignment. May it be productive and I’m ready to accept you,” ani Duterte.
Sinabi naman ni Huang na isang karangalan na maitalaga sa Pilipinas at gagawin niya ang lahat para mapanatili ang pagkakaibigan ng Maynila at Beijing.
Samantala, bukod kay Huang, tinanggap din ng pangulo ang credentials nina Ambassador-Designate of Denmark, Grete Sillasen; Ambassador-Designate of Sri Lanka, Shobini Gunasekera; Ambassador-Designate of The Hellenic Republic, Antonis Alexandridis; Ambassador-Designate of Myanmar, U Lwin Oo; and Ambassador-Designate of South Africa, Batinah Ntombizodwa Radebe-Netshitenzhe.