M3.2 na lindol naitala sa Surigao del Sur

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bahagi ng Surigao del Sur ala-1:06 Huwebes ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong pitong kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Marihatag.

May lalim ang pagyanig na 25 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...