Higit P6.5-M halaga ng shabu at marijuana, nasamsam sa Pampanga

Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC)- Port of Clark ang mahigit isang kilo ng shabu at marijuana sa magkahiwalay na operasyon sa Clark, Pampanga.

Ayon sa BOC, nasa kabuuang 1.026 kilo ng shabu at 30ml ng marijuana ang nakuha sa shipment na idineklarang naglalaman ng aquarium filter.

Nasabat ang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P6.5 milyon noong November 27.

Nakuha naman ang marijuana noong December 3 na nagmula sa Czech Republic.

Hindi nabanggit ng ahensya kung sino ang consignee sa naturang shipment.

Samantala, dinala na ang mga nakumpiskang ilegal na droga sa PDEA Region III.

Read more...