Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, alam naman ng ABS-CBN na uunahin ng Kamara ang budget at revenue bills.
Sabi ni Cayetano, mahaba pa naman ang panahon ng Kongreso sa Enero hanggang Pebrero ng susunod na taon para aksyunan ang ibang bills, at March pa rin anya mag-eexpire ang franchise ng TV network.
Gayunman, hindi masabi ng Speaker kung mare-renew ang prangkisa ng ABS-CBN sa 2020 dahil depende umano ito sa kalalabasan ng hearings sa komite.
Pero pagtitiyak nito, magiging patas ang Kongreso.
Iginagalang anya ng Kamara ang stand ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga isyu at alam nilang nirerespeto rin naman ng Presidente ang proseso.
Una rito, sinabi ng Pangulo na huwag nang umasa ang ABS-CBN na mare-renew ang kanilang franchise dahil sisiguruhin niya daw na magtatapos na ito sa susunod na taon.