Pilipinas may 103 medalya na sa SEA Games

Ang Pilipinas pa rin ang nangunguna sa medal tally sa nagpapatuloy na 2019 Southeast Asian Games.

Alas alas 11:30 ng umaga ng Miyerkules, Dec. 4 mayroon nang 103 medalya ang Pilipinas – 51 dito ay ginto, 33 ang silver at 19 ang bronze.

Apat na ginto ang naiambag ng Philippine Team sa apat na event sa Osbstacle Course.

Wagi ng ginto ang PH team sa 400m mixed team assist, 400m mixed team relay, 100m men’s individual at 100m women’s individual.

Pumapangalawa pa rin sa pwesto ang Vietnam na may 75 medalya – 23 ang ginto, 27 ang silver at 25 ang bronze.

Read more...