Lima sa mga nasawi ay mula sa Bicol region ayon sa police regional office.
Sa Mimaropa region, lima din ang naitalang nasawi sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo. Tatlo sa kanila ay nabagsakan ng puno habang ang dalawang iba pa ay inatake sa puso.
Isa rin ang nasawi sa Ormoc City matapos mabagsakan ng puno.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) umabot sa 458,020 na katao ang inilikas at dinala sa mga evacuation center, habang mayroon pang 37,388 na katao na nakituloy sa kaanak at kaibigan.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal sinabi nitong wala pa silang inilalabas na official death toll.
Kailangan kasi aniyang matiyak ang dahilan ng pagkasawi bago nila ito isapubliko dahil ang mga nasawi sa bagyo ay entitled sa financial assistance mula sa pamahalaan.
Nagpakalat na ang NDRRMC ng mga team sa mga lugar na apektado ng bagyo para magsagawa ng assessment.