Ayon sa provincial disaster risk reduction and management office ng Occidental Mindoro,14 na bayan ang wala pa ring kuryente at ang naibabalik pa lamang ay ang suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Calapan City.
Naapektuhan din ang ilang kalsada at tulay sa lalawigan pero naging passable na ito sa mga sasakyan matapos makapagsagawa ng clearing operations ang mga otoridad.
Inaalam pa sa ngayon kung magkano ang naging halaga ng pinsala ng bagyong Tisoy sa mga pananim sa Oriental Mindoro.
Marami kasing tanim na saging, kalamansi at iba pa ang pinadapa ng bagyo.
MOST READ
LATEST STORIES