Pilipinas may 97 medalya na sa SEA Games

Ang Pilipinas pa rin ang nangunguna sa medal tally sa nagpapatuloy na 2019 Southeast Asian Games.

Alas alas 10:00 ng umaga ng Miyerkules, Dec. 4 mayroon nang 97 medalya ang Pilipinas – 49 dito ay ginto, 31 ang silver at 17 ang bronze.

Pumapangalawa pa rin sa pwesto ang Vietnam na may 75 medalya – 23 ang ginto, 27 ang silver at 25 ang bronze.

Nasa ikatlong pwesto ang Malaysia na mayroong 39 na medalya – 18 ang ginto, 7 ang silver at 14 ang bronze.

Nasa pang-apat na pwesto ang Indonesia na may 52 medalya – 12 ang ginto, 20 ang silver at 20 ang bronze.

Magkakasunod naman sa pang-anim hanggang pang-sampung pwesto ang Singapore, Myanmar, Brunei, Cambodia at Laos.

Habang nananatiling walang nakukuhang medalya ang Timor-Leste.

Read more...