Sunog sumiklab sa isang residential area sa Pasig City

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Brgy. Palatiw at Brgy. Pinagbuhatan sa Pasig, City.

Nagsimula ang sunog alas 7:52 ng umaga sa bahagi ng Catleya Compound E. Santos St. kanto ng Balsangkat.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago naideklarang fire under control alas 9:39 ng umaga.

Inaalam pa kung ilang pamilya ang naapektuhanng sunog at kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Pero ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto inihahanda na nila ang tatlong evacuation centers na pagdadalhan sa mga biktima ng sunog.

Read more...