Bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan mahigit 3,000 pa

Bahagya nang nabawasan ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan.

Sa monitoring ng Philippine Coast Guard, mayroon na lamang 3,330 na mga pasaherong stranded sa mga pantalan sa Central Visayas, Southern Tagalog, Western Visayas, at Bicol.

Maliban sa mga pasahero, suspendido din ang operasyo ng 789 rolling cargoes, 31 barko at 35 motorbancas.

Mayroon namang 179 na barko at 253 na motorbancas na pansamantalang nagkanlong sa mas ligtas na lugar para makaiwas sa masungit na lagay ng panahon.

Read more...