American singer na si Khalid may concert sa Pilipinas

Nakatakdang mag-concert sa Pilipinas ang American singer na si Khalid.

Sa kaniyang tweet, inaunsyo ni Khalid ang kaniyang Free Spirit Asia Tour 2020.

Sa April 2, 2020 nakatakdang dumating sa bansa si Khalid at magtatanghal siya sa Mall of Asia bilang bahagi ng tour.

Maliban sa Manila, may concert din si Khalid sa Bangkog, Singapore, Jakarta, Kuala Lumpur, Tokyo, Seoul, Mumbai, at sa Bangalore, India.

Kabilang sa mga tanyag na kanta ni Khalid ang “Young Dumb & Broke” at “Up All Night”.

Read more...