Ayon sa kanilang tagapagsalita na si Mohammad Khurasani, ‘un-Islamic’ ang ginawa ng grupo, at sabay iginiit na may kinalaman ang Pakistani Taliban sa insidenteng naganap sa isang bayan malapit sa Pershar city.
Hindi pangkaraniwan ang ganitong pahayag mula sa Taliban na kilalang konektado sa maraming iba pang paksyon o mas maliliit na grupo.
Itinanggi rin ni Khurasani na siya ang nag-endorso sa pag-ako umano sa pag-atake na inihayag ng isang militanteng lider na si Khalifa Umar Mansoor.
Kinondena ito ni Khurasani, naniniwala ang Taliban na ang mga kabataan at mga estudyante ang magtataguyod ng jihad movement sa hinaharap.
Aniya pa, marapat lang na iharap sa Islamic o Sharia court ang mga may pakana sa insidenteng ito.
Wala rin aniyang kinalaman dito ang pinuno ng Pakistani Taliban na si Mullah Fazlullah, at wala aniya silang balak patayin ang kanilang mga magiging tagasunod balang araw.