Malacañang may go-signal na sa mga Gabineteng ipapatawag sa Mamasapano reinvestigation

 

Inquirer file photo

Binigyan na ng Malacañang ng go-signal ang pagdalo ng mga opisyal ng gobyerno sa ipapatawag na reinvestigation ng Mamasapano incident sa darating na January 27.

Sinabi ni Communications Secretary Sonny Coloma handa na silang dumalo sa pagdinig ng Senate commitee on public order and dangerous drugs at sagutin ang mga itatanong ng mga senador para sa interes ng transparency and public accountability.

Ayon kay Coloma, hindi na kailangang hintayin ng Palasyo ang advance copy ng mga tanong ng mga senador bago payagan ni Pangulong Aquino ang mga opisyal ng gobyerno na dumalo sa muling pagbubukas ng Mamasapano reinvestigation na isinulong ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile.

Naunang ipinahayag ng Palasyo na dapat magpadala muna ng kopya ng mga tanong ang Senado batay sa Section 22 Article 6 ng Konstitusyon bago payagan ng Pangulo ang kanyang Gabinete at ibang opisyal ng gobyerno na humarap sa imbestigasyon ng Senado.

Idinagdag pa ni Coloma, ilang ulit na ring nagpaliwanag ang Pangulong Aquino ukol sa ginawa nito bilang Commander in Chief at itinanggi ang paratang ni Sen. Enrile na wala itong ginawa upang isalba ang buhay ng SAF 44 na napaslang sa Mamasapano incident noong Enero 25, 2015.

 

Read more...