Zero casualty naitala sa Quezon sa gitna ng pananalasa ng Bagyong #TisoyPH

Walang nasawi o nasaktan sa pananalasa ng Bagyong Tisoy sa lalawigan ng Quezon.

Dahil sa unti-unti na ring pagganda ng panahon, umuwi na sa kani-kanilang mga bahay ang 13,000 evacuees sa tulong ng pulisya, military at volunteers.

Ayon kay Quezon Public Information Officer Janet Genebleza, ang pagtutulungan ng lahat ng sektor sa ilalim ng utos ni Gov. Danilo Suarez ang dahilan ng zero casualty.

Pinatiyak aniya ni Suarez sa lahat ang kaligtasan at proteksyon ng bawat Quezonian.

“We did not leave everything to chance. It was all according to blueprint,” dagdag ni Genebleza.

Karamihan sa mga lumikas ay mula sa coastal areas na mapanganib sa storm surges at landslides at sa mga lugar na idineklarang danger zones.

Pansamantalang naglagi ang evacuees sa mga barangay halls.

Read more...