Lalawigan ng Sorsogon isinailalim sa state of calamity dahil sa Bagyong #TisoyPH

Sorsogon PIO | Atty. Adrian Alegre

Idineklara ang state of calamity sa buong lalawigan ng Sorsogon dahil sa malubhang pinsala ng Bagyong Tisoy.

Nagpatawag ng post-disaster meeting si Gov. Chiz Escudero at ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Martes ng hapon at inirekomenda sa Sangguniang Panlalawigan ang deklarasyon ng state of calamity.

Ayon kay Escudero, walang naitalang casualty sa lalawigan sa kasagsagan ng paghagupit ng bagyo.

Gayunman, umabot na sa P667,331,900 ang pinsala ng bagyo sa probinsya kung saan higit P640 milyon ay sa agrikultura.

Dahil sa deklarasyon ng state of calamity, magagamit ng Sorsogon ang Quick Response Fund (QRF) nito at ang iba pang available na pondo para sa pagresponde sa epekto ng bagyo.

Magugunitang sa Sorsogon unang nag-landfall ang Bagyong Tisoy noong Lunes.

Read more...