2015, Hottest year on record”-US NOAA,NASA

 

Mula sa Inquirer.net/AP

Ang nakaraang taong 2015 ang pinakamainit na taon na naitala sa kasaysayan ng mundo, batay sa pagsasaliksik ng National Oceanic Atmospheric Administration o NOAA at National Aeronautics and Space Administration o NASA.

Bukod sa pagiging “Hottest Year”, sa taon ding ito nakaranas ng matinding tagtuyot ang maraming lugar.

Batay sa mga datos ng NOAA, mas mataas ng 14.79 degrees Celsius ang temperatura noong 2015 kumpara noong taong 2014.

Ito ay mas mataas ng ng 1.62 degrees kung ikukumpara sa average na naitala noong 20th century. Samantala, ang NASA naman ay nakapagtala ng .23 degrees na pagtaas ng temperatura noong nakaraan taon na mas mataas din ng 1.62 degrees average noong 20th century.

Sa kauna-unahang pagkakataon, opisyal nang mas mataas ng 1 degree ang tempratura ng mundo kung ikukumpara noong pre-industrial times.

Pangamba ng dalawang ahensya magpapatuloy pa ang pag-init sa mundo sa mga suusnod na taon at poslbeng umabot pa ito sa 1.5 hanggang 2 degrees Celsius.

Ang matinding global-warming na likha ng tao at El Niño ang pangunahing dahilan ng matinding tagtuyot noong nakaraang taon.

Read more...