Libu-libong residente sa MIMAROPA, inilikas dahil sa Typhoon #TisoyPH

DOST PAGASA photo

Mahigit 4,000 pamilya ang inilikas sa MIMAROPA region bunsod pa rin ng pananalasa ng Typhoon “Tisoy.”

Patuloy kasi nakararanas na mabigat na buhos ng ulan ng may kasamang malakas na hangin sa rehiyon.

Sa tala ng regional Office of Civil Defense bandang 2:00 ng hapon, nasa kabuuang 4,434 na pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center.

Katumbas ito ng 18,446 na indibidwal sa lugar.

Pinakaraming inilikas na residente sa bahagi ng Oriental Mindoro na may 2,218 na pamilya o 9,307 na indibidwal.

Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, tumama ang Typhoon “Tisoy” sa kalupaan sa Naujan, Oriental Mindoro bandang 12:30, Martes ng tanghali.

Read more...