Suspensyon sa biyahe ng mga sasakyang-pandagat patungong Cebu, inalis na ng PCG

Inalis na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang temporary suspension sa biyahe ng mga sasakyang-pandagat patungong Cebu.

Sa abiso bandang 2:00 ng hapon, sinabi nig PCG Station sa Surigao del Norte na maaari nang maglayag ang mga vessel o water craft patungong Cebu.

Base anila ito sa inilabas na sever weather bulletin ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon.

Gayunman, pinayuhan ang lahat na manatiling maingat para maiwasan ang anumang hindi inaasahang insidente.

Read more...