Bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan, pumalo na sa 7,000

Pumalo na sa mahigit 7,000 ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan bunsod ng Typhoon “Tisoy.”

Sa tala ng Philippine Coast Guard (PCG) bandang 12:00 ng tanghali, nasa kabuuang 7,290 ang stranded passengers sa mga pantalan sa Central Visayas, Southern Tagalog, Western Visayas, Bicol, Eastern Visayas at Southern Visayas.

Maliban dito, suspendido rin ang operasyon ng 1,603 rolling cargoes, 126 vessels at 24 motorbancas.

Hindi rin muna pinayagang makabiyahe ang 227 vessels at 136 motorbancas dahil sa masungit na panahon.

Tiniyak naman ng PCG na istrikto nilang ipinatutupad ang guidelines sa paglalayag ng mga sasakyang-pandagat tuwing masama ang panahon.

Read more...