Ito ay para sa implementasyon ng Republic Act no. 11297 o ang pagbabago ng pangalan ng probinsya sa Compostela Valley bilang probinsya ng Davao de Oro.
Una rito, humingi ng tulong ang Commission on Elections (Comelec) sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para bantayan ang plebisito.
Base sa memorandum order number 42, inaatasan nito ang PNP at AFP na makipag-ugnayan sa Comelec.
Nilagdaan na rin ni Pangulong Duterte ang Proclamation 865 na nagdedeklara na special non-working holiday sa Compostela Valley para hayaang makalahok ang mga residente roon sa plebisito.