Angel Locsin, napasama sa Forbes’ list ng “most generous charity donors in Asia”

Napabilang ang aktres na si Angel Locsin sa tainang listahan ng Forbes ng mga “Heroes of Philanthropy”.

Sa “30 outstanding altruists in Asia-Pacific”, kinikilala ng Forbes ang mga bilyunaryo, celebrities at negosyante na aktibo sa charity works.

Kinilala ng Forbes si Angel Locsin dahil sa pagbibigay niya ng P1-million na donasyon at personal pang paghahatid ng relief goods sa mga residenteng naapektuhan ng lindol sa Mindanao.

Tumulong din ang aktres sa mga inilikas na pamilya noon dahil sa Marawi siege.

Ayon sa Forbes, sa nakalipas na isang deklada, umabot sa P15 million ang naitulong ni Locsin na kinapapalooban ng educational scholarships at maging tulong sa mga biktima ng bagyo.

Samantala, kinilala din sa nasabing listahan si Hans Sy of the SM Group.

Binigyang pagkilala ang pagpopondo ni Sy sa pagtatao ng Child Haus para sa mga batang ma cancer at kanilang tagapag-alaga.

Read more...