Komunikasyon ng PCG Headquarters sa kanilang mga tauhan sa Bicol, nawala dahil sa epekto ng bagyong #TisoyPH

Kinumpirma ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Capt. Armand Balilo na wala na silang komunikasyon sa kanilang mga tauhan sa Bicol region

Ayon kay Balilo, hindi na sila makakuha ngayon ng updates sa kanilang mga himpilan sa Bicol.

Aniya, nabasag din ang salamin ng Philippine Coast Guard building sa Bicol.

Sa ngayon aniya, lumipat na rin sa PCG office ang maritime group matapos masira ang kanilang tanggapan sa Bicol.

Kinumpirma rin ni Balilo na hindi na gaanong malakas ang bugso ng hangin at ulan sa kabikulan at pabugso-bugso na lamang.

Aniya , may 260 evacuees din na na-rescue sa Bicol ang kanilang mga tauhan na malapit sa ilog.

Read more...