Inanunsyo ito ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
Nakararanas na kasi ng tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila at sa mga kalapit na lalawigan dahil sa Typhoon Tisoy.
Sa forecast ng PAGASA, simula ngayong tanghalo hanggang gabi ay uulanin ng malakas ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan nito.
Base sa memorandum circular number 73 na nilagdaan ni Executive secretary Salvador medialdea, sinuspinde ang trabaho sa pamahalaan base na rin sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Gayunman, hindi saklaw ng memorandum ang mga tanggapan ng pamahalaan na may kinalaman sa pagbiigay ng basic at health services, preparedness at response teams.
Una nang nagsuspinde ng pasok sa Kamara at maging ang Korte Suprema ay nag-anunsyo din ng suspensyon sa trabaho sa mga korte sa NCR.
Ipinauubaya naman ng palasyo sa mga pribadong kumpanya ang pagsuspinde sa kani-kanilang trabaho.