Yellow rainfall warning nakataas na sa Metro Manila, Rizal at Cavite; red warning nakataas sa Quezon

Bunsod ng tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulan na nararanasan dahil sa Typhoon Tisoy nakataas na ang yellow warning sa Metro Manila, Rizal at sa Cavite.

Ayon sa heavy tainfall warning ng PAGASA, alas 11:00 ng umaga ngayong Martes, Dec. 3 ay yellow warning na ang umiiral sa NCR at dalawang nabanggit na lalawigan.

Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mga mabababang lugar.

Samantala, orange warning naman ang nakataas sa Batangas at Laguna at Red warning sa Quezon.

Ayon sa PAGASA, nakararanas din ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang Bataan, Pampanga, Bulacan, Tarlac, Zambales, at Nueva Ecija.

Samantala sa MIMAROPA naman, orange warning din ang nakataas sa Occidental Mindoro bunsod ng patuloy na buhos ng ulan.

Read more...