Outpatient Clinic ng RITM suspendido ngayong araw dahil sa Typhoon Tisoy

Sinuspinde ng Reseach Institute for Tropical Medicine (RITM) ang kanilang outpatient clinic ngayong araw ng Martes, December 2.

Ito ay dahil sa inaasahang epekto ng bagyong Tisoy.

Ayon sa abiso ng RITM, tanging mga pasyenteng may malubhang karamdaman lamang ang tatanggapin ngayong araw sa hospital admission at sa Emergency Room.

Para naman sa mga magpapa-refill ng kanilang Antiretroviral (ARV) maaring magtungo sa main pharmacy.

Maglalabas na lamang muli ng abiso ang RITM sa pagbabalik ng operasyon ng outpatient clinic.

Read more...