Bilang ng stranded passengers sa mga pantalan umabot na sa 6,605

Umabot na sa 6,605 ang kabuuang bilang ng mga pasaherong stranded sa mga pantalan sa buong bansa dahil sa Bagyong Tisoy.

Batay pinakahuling advisory ng Philippine Coast Guard, ang 6,605 pasahero ay mula sa Central Visayas, Southern Tagalog, Western Visayas, Bicol, Eastern Visayas, at Southern Visayas.

Pansamantalang suspendido naman ang operasyon ng 1,508 rolling cargoes, 131 vessels, 66 motorbancas.

Nakahinto rin ang 120 motorbancas at 239 vessels.

Ayon sa PCG ang istriktong ipinatutupad ang mga pantunuan sa pagbiyahe ng mga sasakyang-pandagat para masiguro ang kaligtasan ngayong masama ang panahon.

Read more...