M3.0 na lindol naitala sa Negros Occidental

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Negros Occidental alas-9:21 Lunes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong apat na kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Hinoba-an.

May lalim ang pagyanig na 23 kilometro at tectonic ang dahilan.

Naramdaman ang Intensity III sa Hinoba-an.

Walang naitalang pinsala sa ari-arian bunsod ng lindol at hindi rin inaasahan ang aftershocks.

Read more...