Mga empleyado ng Office of the President, makatatanggap ng P60,000 bonus

Kuha ni Chona Yu

Magandang balita para sa mga empleyado ng Office of the President.

Ito ay dahil magbibigay si Pangulong Rodrigo Duterte ng P60,000 na bonus sa mga empleyado ng OP.

Si Social Secretary Annalyn Tolentino ang inatasan ng pangulo na ianunsyo ang bonus.

Ginawa ang pag-aanunsyo ng Christmas bonus sa tradisyunal na pagsisindi ng giant Christmas tree sa Kalayaan Grounds sa Malakanyang.

May taas na 40 feet ang Christmas tree at gawa sa mga parol at dinisenyuhan ng Christmas balls.

Nagpapasalamat ang pangulo sa mga empleyado ng OP sa pagiging katuwang sa pagbibigay serbisyo sa publiko.

Pakiusap ng pangulo sa mga empleyado ng OP na magpatuloy na magsilbing ilaw sa buhay ng iba lalo na ang nakararanas ng kahirapan at injustice.

Bandang 5:30 ng hapon nakatakda ang tradisyunal na pagpapailaw ng giant Christmas tree ngunit 8:15 na ng gabi dumating ang pangulo.

Read more...