Sa isang press conference, ipinaliwanag ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal na isasara ang NAIA Terminals 1 hanggang 4 dahil sa Typhoon “Tisoy.”
Isasara ang paliparan simula 11:00 ng umaga hanggang 11:00 ng gabi.
Ani Monreal, layon ng hakbang na matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero kasunod ng inaasahang pananalasa ng bagyo.
Inabisuhan naman ang mga pasahero na manatili muna sa kani-kanilang tahanan sa kasagsagan ng bagyo.
Pinayuhan din ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa airline company.
Oras na bumalik ang operasyon, bibigyang-prayoridad ang mga scheduled flight.
Ipatutupad naman ang ‘first come, first served’ basis sa mga recovery flight.
Nasa 480 flights ang inaasahang maaapektuhan ng pagsasara ng paliparan.