Mayor Moreno, pinangunahan ang pagbubukas ng Paskuhan Festival sa UST

“Ang saya saya!”

Ganito inilarawan ni Mayor Isko Moreno ang pagbubukas ng Paskuhan Festival sa University of Santo Tomas (UST), Lunes ng gabi.

Pinangunahan ni Moreno ang pagbubukas ng taunang festival sa nasabing unibersidad.

Sa ibinahaging video ng Manila Public Information Office (PIO), binati ng alkalde ang buong pamunuan ng UST at mga organizer ng festival.

Nagpasalamat din si Moreno sa UST dahil sa pakikiisa sa adhikain ng pamahalaang lokal na muling buhayin at pasiglahin ang Maynila.

Kasunod nito, umaasa aniya siya na magpapatuloy pa ang pakikipag-ugnayan ng mga institusyon at korporasyon sa pamahalaang lokal para maghatid ng magandang serbisyo sa mga Manileño.

Ito ang unang beses na dumalo si Moreno sa Paskuhan Festival.

Read more...