Ito ay dahil pa rin sa masamang lagay ng panahon dulot ng Typhoon “Tisoy.”
Sa huling tala ng Philippine Coast Guard (PCG) hanggang 12:00 ng tanghali, nasa kabuuang 6,070 ang stranded passengers sa mga pantalan sa Southern Tagalog, Western Visayas, Bicol, Eastern Visayas at Southern Visayas.
Maliban dito, pansamantalang sinuspinde ang biyahe ng ilang sasakyang-pandagat dahil sa masunit na panahon.
Kabilang dito ang 1,290 rolling cargoes, 81 vessels at 24 motorbancas.
Pansamantalang inihinto rin ang 229 vessels at 81 motorbancas.
Tiniyak naman ng PCG ang istriktong implementasyon ng guidelines sa pagbiyahe ng mga sasakyang-pandagat para masiguro ang kaligtasan tuwing masama ang panahon.