Ina ni Boy Abunda, pumanaw na

PHOTO CREDIT: Maria Fe R. Abunda Baysay Eastern Samar Congressional Diaries/FACEBOOK

Pumanaw na ang ina ng television host na si Boy Abunda.

Gamit ang Facebook account, inanunsiyo ng kapatid ng host na si Eastern Samar Rep. Maria Fe Abunda ang pagpanaw ng kanilang ina na si Licerna Romerica Abunda.

Ayon sa kongresista, pumanaw ang kanilang ina na kilalang tawagin bilang “Nanay Lesing” sa edad na 90.

Hindi naman nabanggit kung ano ang dahilan ng pagpanaw nito.

Dagdag pa nito, ipinaalam ng mambabatas na magkakaroon ng public viewing sa Arlington Memorial Chapels and Crematory sa Quezon City.

Read more...