Orange rainfall warning, nakataas sa ilang lugar sa Visayas

Patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan ang ilang lalawigan sa Visayas.

Sa abiso ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, nakataas ang orange warning sa Eastern Samar, Samar, Biliran at Leyte.

Yellow warning naman ang nakataas sa Northern Cebu at Southern Leyte.

Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mabababang bahagi at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na bahagi ng mga nasabing lugar.

Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.

Read more...