Pang-hapon na klase sa Dalaguete, Cebu sinuspinde dahil sa Typhoon #TisoyPH

Sinuspinde na rin ang pasok sa mga paaralan sa Dalaguete, Cebu.

Sa Facebook, inanunsiyo ni Mayor Jeffrey Belciña ang suspensyon ng klase simula 1:00, Lunes ng hapon.

Ito ay dahil sa inaasahang pananalasa ng Typhoon “Tisoy.”

Sakop ng suspensyon ng klase ang lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralam sa lugar.

Ani Belciña, layon nitong matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante sa lugar.

Read more...