Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang Sarangani, Lunes ng tanghali.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 5 kilometers Southwest ng Malapatan bandang 12:03 ng tanghali.
May lalim ang lindol na 28 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, walang napaulat na pinsala sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES