China nagtangkang bigyan ng cellphone si Pangulong Duterte na hindi kayang ma-hack

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na binibigyan siya ng China ng cellphone na hindi kayang i-hack ninuman.

Pero ayon sa pangulo, kanya itong tinanggihan.

Paliwanag ng pangulo, ayaw niyang mapagdudahan ng taong bayan na may itinatago sa publiko.

Kasabay nito, sinabi ng pangulo na wala siyang duda na pang-eespiya ang ginagawa ng China kung kaya nakuha na nito

ang 40 percent share sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Tanong ng pangulo kay Chinese president Xi Jinping ano ang mapapapla ng China sa pang-eespiya sa Pilipinas.

Kahit aniya hindi pasukin ng China ang grid ng Pilipinas kakayanin pa rin nito g mang espiya sa bansa gamit ang satellite.

Katunayan sinabi ng pangulo na kahit ngayon ay patuloy na nakikinig ang China sa mga panloob na usapin ng Pilipinas.

Read more...