Yellow warning nakataas na sa ilang lugar sa Visayas

Nakararanas na ng tuluy-tuloy at malakas na buhos ng ulan sa ilang bahagi ng Visayas.

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA, alas 9:42 ng umaga ng Lunes, December 2, yellow warning na ang umiiral sa Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, at Southern Leyte.

Nagbabala ang PAGASAna posibleng makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa bulubunduking lugar.

Pinapayuhan ang mga residente na manatiling alerto at mag-antabay sa inilalabas na abiso ng weather bureau.

Read more...